Maikling kwento
“Batang adik”
Sa bayan na malayo, mayroon doon isang lugar na pinangalanang barangay bisyo.
Isang araw may isang batang nag-ngangalang berto, siya ay labing isang taong gulang lamang. Siya ay nasa isang kanto malapit sa peryaan ng kanilang barangay, habang ang kanyang kamay ay may hawak na bote at tila ata isang binalot na maliit na papel na may umuusok sa dulo nito. Ito pala ay isang alak at sigarilyo. Habang ang mga tao ay nagpapakasaya sa peryaan, siya naman ay maligayang-maligaya na umiinom ng alak at humihithit ng sigarilyo. Nakita siya ng kanyang tatay na naglalako ng basahan sa kanilang barangay. At siya ay nagulat at nawala ang kanyang tama sa pagkakaroon ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Nilapitan siya ng kanyang tatay at kinuha ang bote at ang sigarilyong hawak niya, sabay tapon nito sa tabing basurahan. Sabi sa kanya ng kanyang tatay, akala ko ba pumapasok ka at nagaaral ng mabuti?. Paluhang banggit ng kanyang ama. Ngunit si Berto ay di na nagsalita.
Pagkauwi nila sa kanilang bahay kinausap siya ng kanyang mga magulang at pinagsabihan ang bisyo ay masama, ngunit at pagaaral ang magbibigay ng talino sayo! Pagalit na banggit ng kanyang ina. Sabay sagot ni Berto, walang kwenta yan! Sa bisyo masaya ako. At habang binbigkas ito ni Berto, ang kanyang ina ay lumuluha na.
Si Berto ay umalis at pumunta sa kanyang mga kabarkada, siya ay natutong gumamit ng ipinagbabawal na gamot. At dahil sa kanyang pagiging bago sa paggamit nito. Siya ay nasobrahan at naover dose. Siya ay namatay.
Nawa’y maging isang magandang aral ito para sa atin at sa mga kabataang nagbibisyo lang, ang bisyo ay masama at nakamamatay, kaya hanggat maaari tigilan na ito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home