Tuesday, 27 September 2011

CICT DAYS

“Ang aking ginawa noong cict days”

Noong araw na cict days, hindi ako sumali sa kahit anong laro dahil hindi ako gaano mahilig maglaro ng sports. Kaya naisipan ko nalang manuod sa mga naglalaro, at habang ako ay nanunuod. Nainip ako, kaya sa bawat araw na nagdaan na yon, gumawa nalang ako ng proyekto naming sa mga subject.
Laging ganoon ang ginagawa ko, magsisimula ng 9 ng umaga, tapos pagdating ng 12 kakaen ng tanghalian, at pagdating ng 1 ng tanghali, balik sa computer shop para gumawa ulit ng proyekto. At pag pumatak na ang 5pm uuwi na ako. Ang hirap kasi ng mga proyekto naming, siguradong hindi magagawa ng isang araw lang. kaya ayun, yan ang ginawa ko noong cict days.

Mga Alamat

“Ang Alamat ng Processor”

Isang araw mayroon isang bata na nagngangalang Cessar.
Pangarap nyang maging isang propesyonal na teacher upang makatulong sa kanilang bayan, ngunit sa kasamaang palad di sila ganon kayaman ng kanyang pamilya.
Kaya napilitan siyang gumawa ng masama tulad ng pagnanakaw ng mga mamahaling gamit tulad ng cellphone, psp at marami pang iba.
Ngunit isang araw siya ay nahuli ng mga taong bayan, siya ay tumakbo kaya napilitan ang taong bayan na bugbugin siya, hanggang siya ay maghingalo na.
Iniwan nalang siya ng taong bayan sa kinatatayuan nya, isang madilim at napakaruming lugar. Habang siya ay nakahiga at inaalala ang kanyang mga pangarap, may dumating na isang diwata at sinabi sa kanya, alam kong ikaw ay isang mabuting bata, kung gusto mong tumulong sa iyong kapwa, gagamitin ko ang iyong katalinuhan para magamit sa kabutihan at para makatulong ka padin sa iyong bayan.
Sabi ni Cessar opo, sige po, kesa mabuhay nga ako, di naman ako makatulong.
Sinabi ng diwata, sige, ikaw  ngayon ay magiging isang “Processor” na tutulong para mas mapadali ang gawain ng mga tao.
Pagkatapos nito mayroong napadaang matandang lalaki na marunong patungkol sa elektroniks. Napulot niya ang processor at idinagdag ito sa mga elektronik na bagay.

“Ang Alamat ng Motherboard”

Isang araw, mayroon isang nanay na mahilig magayos ng mga sira sirang komponent ng radio at t.v. ngunit hindi siya makuntento sa kanyang mga likha dahil pangarap niya na magamit ang kanyang kahiligan sa paggawa nito para maging isang mahusay na robot o elektrikal na mga kagamitan.
Isang araw siya ay naaksidente, walang taong nakakita sa kanya dahil siya ay nasa sarili nyang kwarto. Siya ay nakoryente at natabunan ng mga sirang komponent.  Habang siya ay walang malay, may isang diwata na nagpakita sa kanyang panaginip at kinausap siya, sabi nito, ikaw ay isang ina na alam kong pangarap mong makaimbento ng elektrikal na komponent, gagawin kitang isa sa mga inaayos mo ngunit ang kapalit nito ay iyong buhay, dahil alam mo naman na wala kanang pagasang mabuhay. Sagot ng nanay, okey lang po, dahil ito ang magpapatuloy ng aking buhay at masaya ako dito.
Pagkatapos ay nakita na siya ng kanyang mga anak, ngunit siya na ay isang board na nakasulat na ako ang inyong ina, kaya nabasa ito nga mga anak, at naisip na sinakripisyo niya ang kanyang buhay para sumagana sila, at pinangalangan siyang “Motherboard” at idinagdag siya sa komponent para mabuo ang kompyuter.

“Ang Alamat ng Flash Drive

Isang araw, may isang lalaking nagtratrabaho sa isang kompanya na hinahangaan dahil sa pagkamabilis nito sa pagdala ng mga padala galing sa ibang bansa. Ang lalaking ito ay napaka-kaskasero at mabilis magpaandar ng sasakyan, ngunit hindi niya ginagamit ang kanyang katalinuhan sa kanyang trabaho.
Nagpatuloy siya sa ganitong aspeto kaya, lagi siyang napapagalitan ng kanyang amo.
Ngunit isang araw siya ay may nasagasaang matandang babae, ito pala at isang mabuting diwata. Hindi niya tinulungan at dinala sa ospital ang matanda, kaya ito ay namatay.
Nang siya ay pauwi na, nagpakita sa kanya ang diwata at sinabi, hindi ka manlang nakonsensya sa iyong ginawa, kaya ngayon imbis na makasakit ka pa lalo ng iba, gagawin nalang kitang isang bagay na mapapakinabangan ng mga tao. Upang magamit ka nila kahit san sila pumunta, malalagyan ka nila ng mga information na makukuha sa kompyuter para di na sila mahirapan pa, ikaw ay gagawin kong isang “Flash Drive” dahil sa pagiging matalino mo at pagiging mabilis sa pag dadrive. Para magamit ang iyong katalinuhan na pedeng paglagyan ng files.
Pagkatpos nito, nakita nalang ng mga pulis ang sasakyan niya at nakitang mayroong isang pahabang kwadradong bagay na pedeng magamit sa kompyuter.


“ALAMAT NG CPU”

                    Noong unang panahon, may batang nagngangalang “PIYO” siya’y pinanganak at lumaking hindi nakikilala ang kanyang mga tunay na magulang, siya’y inampon lamang ng kanyang nanay-nanayan na si Teresa na kung tawagin niya ay Inang Teresa. Si Piyo ay nasa ika-6 na baitang na, siya’y masipag sa kanyang pagaaral, hindi lang masipag kundi mabilis din sa lahat ng kanyang Gawain, natatapos niya ito lahat sa loob lamang ng isang araw, at iyon ang lubos na ipinagpapasalamat ng kanyang nanay-nanayan. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, sa kanilang paaralan si Piyo ay palaging lider sa grupo, bakit?? dahil ibang klase siya kung mag-utos o mag bigay ng mga tagubilin sa kanyang mga kamagaral, ang nagiging resulta palagi ay “TAMA”, at dahil sa kakayahang taglay ni Piyo, siya ang nangunguna sa kanilang klase, at sa tuwing magkakaron ng aktibidades, wala silang ibang sinasambit kundi “SI PIYO”. Mula sa kanilang pagpasok sa umaga ang mangunguna sa kanilang pambungad na panalangin ay “SI PIYO”, sa mga gawain sa skul “SI PIYO”, hanggang sa lumaon ay binigyan siya ng kanyang paaralan ng isang karangalan dahil sa kaniyang mga angking abilidad na lubos niyang ikinatuwa, dahil kung ito’y iisipin mo, halos lahat ng kamagaral niya ay kanyang natutulungan at hindi lang iyon, pati na rin ang kanyang mga guro, “SI PIYO” ay isang estudyante na maaasahan ng lahat, kaya’t laking pasasalamat din ng paaralan dahil mayroon silang “SI PIYO”. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, habang papauwi na “SI PIYO” siya’y nabundol ng isang trak, hindi siya nito dinala sa ospital kundi tinakasan pa siya ng nagmamaneho ng trak at ito ang naging dahilan ng pagkamatay ni Piyo. Ng mabalitaan ng lahat ang nangyari halos di sila makaimik o makapagsalita, dahil batid ng lahat na “SI PIYO” ay isang napakabuti na estudyante, napakamatulungin at napakatalino, kaya’t ang laki ng panghihinayang ng lahat sa pagkawala ni Piyo, kahit ang nanay-nanayan niya ay di makapaniwala sa pangyayari. Ng mailibing na “SI PIYO”, diretso bahay na ang kanyang nanay-nanayan at pagkapasok ni Teresa sa kanyang tahanan laki ng ikinagulat niya ng makakita siya ng isang bagay na noon niya pa lang nakita at ito ay tinawag niyang “CPU” dahil buhat ng nawala “SI PIYO” ito ang pumalit. Ito’y dinala niya sa paaralan upang magamit ng mga bata at ito’y lubos na nakakatulong sa kanila pagaaral maging sa mga guro at dahil sa kagamitan na ito, isang tao lang ang naaalala nila dito at ito’y walang iba kundi “SI PIYO”.

“ALAMAT NG ISPIKER”
                Noong unang panahon, may matandang lalaki na ang pangalan ay “TATANG PIKER”. Tumanda na siyang walang asawa at sa buong buhay niya siya’y magisa at dahil sa sitwasyon na iyon, siya’y naging bugnutin at palaging pasigaw ang kanyang boses pag siya’y nakikipagusap o nagsasalita lamang. Kaya’t maraming bata ang takot sa kanya dahil ang akala nila si Tatang Piker ay galit sa kanila ngunit ang di nila alam ay sadyang malakas lang ang boses ni Tatang Piker. Lingid sa kaalaman ng lahat si Tatang Piker ay may sakit sa puso, siya’y nahihirapan sa kanyang paghinga lalu na kapag siya’y napapasigaw. Nung gabing yaon, may narinig si Tatang Piker na kumakaluskos sa labas ng kanyang tahanan, siya’y napabalikwas at agad-agad na nakabangon at ng kanyang ito’y lapitan,nakita niya na may limang magnanakaw sa kanyang bakuran. Siya’y agad na lumabas at sinigawan ang mga magnanakaw, ngunit sa pagsigaw niyang iyon, hindi niya lubos akalain na iyon na pala ang huling sigaw niya. Simula ng gabing iyon at sa paglipas ng araw, hindi na nila ulit nkita ang matanda, naging palaisipan sa marami kung bakit bigla na lang nwala si Tatang Piker, ang akala ng iba ay umalis si Tatang at pumunta sa malayong lugar ang iba naman sinasabi na baka ito’y nagasawa na, pero lahat sila hindi sila sigurado kung anu talaga ang nangyari kay Tatang Piker. Kaya’t ang ilan na nagmamalasakit kay Tatang ay pinasok nila ang bahay nito, at wala silang ibang nakita kundi ang nasa bakuran ni Tatang Piker, ito’y isang maliit na bagay na noon pa lamang nila nakita at ng ito’y kanilang sinubukan, napamangha sila dahil katulad ni Tatang Piker, ang bagay na ito ay nakakatulong sa kanila upang mas lalo pa nilang marinig o lumakas ang kanilang mga pnakikinggan, kagaya ni Tatang Piker na malakas ang boses pag siya’y nagsasalita kaya’t tinawag nila itong “ISPIKER”.

“ALAMAT NG PRINTER”
                 Isang araw, may binatang napakatamad magaral at ang pangalan niya ay “PRINT”. Siya ang bunso sa kanilang pitong magkakapatid, at lahat ng kapatid niya ay tapos na ng pagaaral at lahat sila ay mga propesyonal, siya lamang ang namumukod tanging di makapagtapos ng pagaaral niya dahil palagi siyang nahuhuli ng guro niya na nangongopya sa kanyang katabi, kaya paulit-ulit siya sa kanyang pagaaral dahil hindi siya pinapasa ng mga guro niya hangga’t di siya nagbabago. Si Print ay isang uri ng tao na walang ibang ginusto kundi ang magpakasarap, ang gusto niya lang gawin ay matulog, kumaen, manuod ng t.v, at mag gagala sa kung saan saan at ang pinaka ayaw niya naman ay ang magaral. Ang magulang lang niya ang pumipilit sa kanya na magaral, dahil ang palaging sambit ng magulang niya ay “para rin yan sa iyong kinabukasan”. Ngunit si Print ay di nakikinig sa kanyang magulang, dahil ang gusto niya ay masunod lahat ng kagustuhan niya. Kinabukasan pagpasok ni Print sa skul, hindi niya akalain na ngaun na pala ang kanilang final examinations, syempre tulad ng dati wala na naman siyang ibang ginawa kundi ang mangopya at katulad pa din ng dati, nahuli na naman siya at napalabas siya ng silid aralan, kaya’t napagdesisyunan na lang niya na umuwi sa kanilang bahay, at sa kanyang paglalakad pauwi napagkaisahan siya ng mga taong adik sa kanila, at sa di inaasahan doon nagwakas ang kanyang buhay. Ito’y lubos na iniyak ng kanyang magulang at ng kanyang mga kapatid, dahil kahit alam nilang ito’y tamad, mahal pa rin nila si Print. Makaraan ang limang araw, pagkatapos ilibing si Print, may nakita ang kanyang guro sa upuan ni Print, at agad-agad niya itong ipinabatid sa magulang ni Print. Nagtataka ang lahat kung anu ang bagay na nasa upuan ni Print, ito’y sinubukan nilang gamitin at kanilang napagtanto na ito’y kumukopya ng mga nakasulat sa papel at dahil doon tinawag nila itong “PRINTER” dahil alam nilang lahat na si Print ay isang dakilang mangongopya sa skul, kaya ito ay sinunod nila sa pangalan ni Print. At dahil doon natulungan din sila ng “PRINTER” dahil sila ay kumikita sa pamamagitan niyon. Kaya ang mga magulang ni Print ay lubos na iniingatan ang gamit na iyon, dahil sa pamamagitan niyon, naaalala nila ang kanilang anak na si “PRINT-ER”.


Aking Talambuhay

“Aking Talambuhay”

Ako si Samuel Josh C. Eramis ay pinanganak noong Hunyo 14, 1993, sa Malolos, Provincial, Hospital. Noong ako ay bata pa, nagaral ako sa Bulacan Ecumenical School, siguro mga pitong taon ako noon. Mahilig akong di kumain ng lunch para lang makabili ng mga laruang nabibili sa tabi ng aming paaralan. At sa tuwing ako ay umuuwi, lagi akong umiiyak dahil lagi akong pinagagalitan ng aking ina dahil di nanaman daw ako kumain. Bakit daw ba ang tigas ng ulo ko?, ngunit pagkatapos non, okey na dahil nabili ko na eh. Ano pa magagawa nila?. At patuloy na nangyayari yon hanggang makatapos ako ng elementarya.

Noon namang ako ay nasa sekondarya, ako ay nagaral sa Guiguinto  National Vocational High School, hindi ko namalayang nababarkada na pala ako sa mga bagong kabarkada ko na mahilig gumawa ng kalokohan sa skul. At hanggang sa mapaaway kami sa harap ng munisipyo. Ako ay natutuwa dahil ako ay nasama sa away nayon ngunit nakonsensya din dahil ito ay masama, kaya di ko nadin naisipang makipagaway ulit, ngunit malupit ang tadhana, ahahaha, dahil sa tuwing dumadayo kami sa kahit saang lugar, kami ay napapaaway.

Hanggang ngayon na ako ay nasa kolehiyo na. at lalo na ngayon na nasali ako sa fraternity sa nagngangalang Scouts Royale Brotherhood na binuo ng isang APO member. Sa ngayon ako ay kasalukuyang nakikiisa habang nagaaral sa Bulacan State University, at ang aking kurso at computer technology. Pag ako ay nakatapos, balak kong magtayo ng sariling kumpanya na patungkol sa mga electronic at computer services. Pag dating ng panahon pinapangako kong ako ay yayaman at magkakaroon ng maganda at masaganag buhay.

Maikling kwento

“Batang adik”

Sa bayan na malayo, mayroon doon isang lugar na pinangalanang barangay bisyo.
Isang araw may isang batang nag-ngangalang berto, siya ay labing isang taong gulang lamang. Siya ay nasa isang kanto malapit sa peryaan ng kanilang barangay, habang ang kanyang kamay ay may hawak na bote at tila ata isang binalot na maliit na papel na may umuusok sa dulo nito. Ito pala ay isang alak at sigarilyo. Habang ang mga tao ay nagpapakasaya sa peryaan, siya naman ay maligayang-maligaya na umiinom ng alak at humihithit ng sigarilyo. Nakita siya ng kanyang tatay na naglalako ng basahan sa kanilang barangay. At siya ay nagulat at nawala ang kanyang tama sa pagkakaroon ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Nilapitan siya ng kanyang tatay at kinuha ang bote at ang sigarilyong hawak niya, sabay tapon nito sa tabing basurahan. Sabi sa kanya ng kanyang tatay, akala ko ba pumapasok ka at nagaaral ng mabuti?. Paluhang banggit ng kanyang ama. Ngunit si Berto ay di na  nagsalita.

Pagkauwi nila sa kanilang bahay kinausap siya ng kanyang mga magulang at pinagsabihan ang bisyo ay masama, ngunit at pagaaral ang magbibigay ng talino sayo! Pagalit na banggit ng kanyang ina. Sabay sagot ni Berto, walang kwenta yan! Sa bisyo masaya ako. At habang binbigkas ito ni Berto, ang kanyang ina ay lumuluha na.

Si Berto ay umalis at pumunta sa kanyang mga kabarkada, siya ay natutong gumamit ng ipinagbabawal na gamot. At dahil sa kanyang pagiging bago sa paggamit nito. Siya ay nasobrahan at naover dose. Siya ay namatay.

Nawa’y maging isang magandang aral ito para sa atin at sa mga kabataang nagbibisyo lang, ang bisyo ay masama at nakamamatay, kaya hanggat maaari tigilan na ito.

Mga Tula

“Ang guro”

Sabi nila, mahirap ang maging guro
Dahil wala silang ibang ginawa kundi magturo
At tayong estudyante’y madalas nakakagalitan
At para sa atin ito ay kapaitan

Pero diba dpat nga natin silan pasalamatan
Dahil sa kanila, pangarap nati’y makakamtan
Silang guro n tayo’y tinuturuan,
At sa kanila’y gaganda an gating kapalaran

“kaibigan”

Ang tunay na kaibigan
Hindi ka magagawang iiwanan
Sa panahon ng iyong kapighatian
Nariyan sila upang ika’y suportahan

Kaya’t sila ay iyong pahalagahan
Dahil sila ay isa sa iyong kayamanan
Kaibigang tunay, lubos na maaasahan
At kahit kalian, di ka pababayaan

“magulang”

Madalas nila tayong pinapalo
Upang tayo ay tumino
Laging pinasasabihan
Nang mali ay Maiwasan

Pero alam mo ba kung bakit sila ganon?
Dahil sa kanilang pagmamahal sa atin
Na kahit tayo’y makukulit at paulit-ulit
Sila’y nariyan pa rin upang tayo’y yakapin

“pagmamahal”

Lahat gagawin mo para sa kanya
Isasakripisyo mo lahat huwag lang siya mawala
Ganiyan talaga kapag ika’y Masaya
Minu-minuto mo siyang maaalala

Masarap isipin na ika’y may minamahal
Dahil ito ay nakakawala ng pagal
Kaya’t inyong relasyon ay pagkaingatan
Dahil ito ay para sa inyong kinabukasan

“kalikasan”
                                   
Ito’y ating pagkaingatan
Sapagkat ito’y ating kayamanan
Ating ito’y pangalagaan
Sa mga araw pang dadaan

Huwah natin hayaan na ito’y masira
Ng mga taong sadyang mapanira
Ating bantayan ang kalikasan
Para sa iuunlad pa na ating bayan

“edukasyon”

Ito ang kayamanan na hindi nabibili
Dahil ito ay iyong pinaghirapan mabuti
Kaya’t ito’y iyong hawakang maigi
Para sa iyong pangarap na aabutin

Ito’y ating ipagpasalamat
Sa ating Panginoon na tapat
Dahil tayo’y kanyang pinakalooban
Ng isang magandang kinabukasan